Kabataan: Boses at kalasag ng Bayan! (by Regine Suerte)
Mundo ay binalot ng takot, Lipunan ay puno ng gulo at salot, Dugtungan pa ng pandemyang nakakahawa, Tanong sa sarili'y may pag-asa pa kaya? Isa, dalawa, tatlo, ilang dekada na ang nakalipas, Pero hindi parin nakakatakas ang Pilipinas, Sa korupsiyon ay hindi makakatakas, Paano na ang bukas? Mga politikong ibinoto ng sambayanan, Inaasahang magsilbi ng tapat sa bayan, Ngunit taliwas sa katotohanan, Pagkat sila lamang ang lalong yumayaman. Korapsiyon ay nagbubunga ng kahirapan, Na di kalauna'y gumawa ng krimen sa bayan, Kaya kaming mga kabataan, Walang ibang hinahangad kung hindi katarungan. Mga bilihin ay patuloy na nagtataasan, Hirap at kakulangan ay patuloy na nararanasan, Mamamayang kumakayod kahit may karamdaman, Da-ing ay tulong sa gutom at kumakalam na tiyan. Kaliwa’t kanang patayan, medya ay binubusalan Patuloy na inaabuso ang mga taong nasa laylayan, Nagbibingi-bingian sa sigaw at iyak ng bayan, Kabataan ay pinapatahimik, hindi pinapakinggan. Sinasabi niyong kami ang pag-...