PAGBABALIKTANAW (by Faith Berry Carlete)

Unang Araw ng pasukan, tila mga bata na kumawala sa mga magulang.
Unang araw na sisimulan Ang kapalaran na ating tinahak para sa kaunlaran.
Kaunlarang tungo sa mabuti—mabigyan Ng magandang buhay Ang pamilya Makapag tapos sa kolehiyo ay sisimulan mo na Sa institusyong ito nag simula lahat lahat Mga bagay na di maiwasang di maisiwalat Mga panahong tayoy nagkasama Ito Ang ating bagong simula Pagtuntong natin sa paaralang ito, bumungad agad Ang mga estudyanteng handa Ng sumabak Sa digmaang patungo sa Kani kanilang mga pangarap Sumalubong sa Amin Ang isang masigabong palakpakan Bilang pag tanggap sa aming daan daang kabataan. Napakasaya Kung ating maalala, mga panahong Tayoy may ginugunita Tulad Ng ibat ibang patimpalak gaya Ng intrams, sayawan, quiz bee at iba pa Tudo hiyaw sa pag cheer Ng mga kaklase o minsan sa crush nila go crim, go Ted, go Agri, go vetmed Ika nga nila. Di magpapatalo sa bawat paligsahan, lahat magagaling Sa sayaw, indak at mapagiling Halinat pagmasdan at kiligin sa mga kumakanta Sasabay pa minsan Kong alam Ang lirika. Naalala nyo pa ba tuwing reporting? Mga bagay na ginagawa minsan pinagtatawanan pa natin Mga Araw Kung saan sabay sabay tayong umuwi Mga panahong sama sama tayong pagalitan at humingi Ng pasencya sa huli. Lahat tayoy nagkapraning tuwing exam Hindi pwedeng maging komportable lamang Sapagkat Ang 3 ay kinakatakutan Mag aral para Hindi masayang Ang sinimulan Natandaan nyo pa ba, minsan din tayong nagkakalabuan Sa mga maliit na bagay Ang naging dahilan Pero di pinalagpas Ang bawat sandali Humahanap Ng paraan magka ayos muli. Sa paglipas Ng panahon, sa Ika apat na taon na tayong nakatuntong Malapit na nating maabot Ang ating inaasam, huwag kanang bumuntong Abot kamay na natin Ang ating diploma Sa Capsu Dumarao Tayo nagsimula, dito rin Tayo makapagtapos na sama sama Sa aming mga guro na walang sawang umintindi at magturo Gusto naming magpalasamat na galing sa aming mga puso Maraming salamat sa inyong sakripisyo at pag aaruga Pati na rin sa mga aral at pangaral nyong dala. Sa paaralang ito na nagsilbing instumento sa aming mga pangarap Mga guro, kaklase at sa iba pang staff Ang institusyong ito ay aming dadalhin Ipagmamalaki at ipaisigawan namin.
Comments
Post a Comment